Masarap at masustansya at lalong pinasarap pa ng lasa ng gata. Niluto ko ito dahil may tira-tirang buto ng lechong manok, sayang naman kung hindi mapapakinabangan.
Mga sangkap
manok para pangsahog ( pwedeng fresh or leftover from lechon)
1/2 kilo kalabasa
2 tali sitaw
3 cups gata ng niyog
2 piraso ampalaya
1 kutsarang hiniwa na luya
1 sibuyas
asin
Paraan ng pagluluto:
1.Ilagay sa caldero ang 2 cups ng ngata, luya, sibuyas, manok at pakuluin, kapag kumulo na ay ilagay ang kalabasa at sitaw, pakuluan hanggang maging half cooked.
2. Ilagay ang ampalaya at pakuluan hanggang maging half cooked, ilagay ang natitirang gata, saka timplahan, pakuluin ng isang beses saka patayin ang apoy.
3. Ihain habang mainit pa na may kasamang kanin.
Paalala: Siguraduhing malakas ang apoy habang niluluto ang mga gulay para manatiling matingkad ang kulay.