Kilawin na Puso ng Saging

Madalas gawin ng kasambahay namin noong bata pa ako, dahin napapaligiran ng saging na saba ang aming bahay sa bukid, kaya masagana ang puso ng saging, at dahil wala pang kuryente noong mga araw na yon, wala ring refrigerator, kaya madalas ang isda ay pinipirito para tumagal ng mga ilang araw, at mula nang matikman ko itong kilawin na puso ng saging lagi na akong nagpapahanda sa kasambahay namin para partner ng prito, talagang busog sarap. :-).

Mga sangkap
1 Puso ng saging
1 kutsarang Luya ( dinikdik)
 1/2 cup vinegar
1/2 onion
1/2 cup kakang gata
asin



Paraan ng pagluto:
1. Linisin ang puso ng saging sa pamamagitan ng pag alis ng matigas na bahagi nito, hiwain at pakuluan hanggang sa lumambot.



2.Kapag malambot na alisin sa tubig at hiwain ng maliliit. Pagkatapos mahiwa ay pigain hanggang maalis ang katas at isama sa iba pang mga sangkap at timplahan ng asin, paghaluing mabuti saka ihain.



Previous
Next Post »