Ginisang Ampalaya, Kalabasa at Talong


Mga Pinoy gulay na gustong gusto ko kapag walang pangpakbet at kahit ito lang ang sangkap, simot sarap talaga sa sobrang sarap.

Mga sangkap:
1 kilo kalabasa
1/2 kilo talong
1/4 kilo ampalaya
1/4 kilo karne ng baboy
4 cloves bawang
1 sibuyas
2 tasa ng tubig
2 kutsara bagoong alamang
salt if needed

Paraan ng pagluluto:
1. Igisa ang bawang at sibuyas pagkatapos ay ilagay ang sahog, haluing maigi at ituloy ang pagigisa hanggang sa maging medyo luto na ang karne.
2. Ilagay ang bagoong at igisa sa loob ng isang minuto saka ilagay ang tubig at lakasan ang apoy hanggang sa kumulo.
3. Idagdag ang kalabasa at talong, haluing maigi at lutuin hanggang maging half cooked.
4. Idagdag ang ampalaya at haluing maigi, at hayaang maluto ng tuluyan, dagdagan ng asin kung kailangan.
5. Ihain habang mainit pa.

Previous
Next Post »